Home METRO 6 obrero nagkakabit ng solar posts nakuryente sa Bacolod

6 obrero nagkakabit ng solar posts nakuryente sa Bacolod

MANILA, Philippines – Anim na construction worker ang nakuryente habang nagkakabit ng solar posts sa Barangay Sum-ag, Bacolod City nitong Sabado, Pebrero 8.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Aaron, 47; Roland, 34; Reymark, 27; Alden, 24; Arnelo, 24, at Joseph, 34.

Sa imbestigasyon, iniulat na dumikit sa live wire ang solar panel dahilan para makuryente ang mga biktima.

Nagtamo ng sunog sa katawan ang mga ito na agad dinala sa ospital. RNT/JGC