TAIWAN – Sinabi ng Taiwan na naitala nito ang 62 Chinese military aircraft malapit sa naturang bansa ngayong linggo.
Ito ay kasabay ng paglalayag ng dalawang barko ng US sa Taiwan Strait.
Ayon sa Taipei, ang mga barko ng US ay tumatawid mula hilaga patungong timog “starting from February 10”.
Namonitor din ng People’s Liberation Army ng China ang pagdaan ng US warship at ocean survey vessel.
“This US action sent the wrong signal and increased security risks,” pahayag ni Li Xi, isang senior colonel at spokesman ng Eastern Theatre Command ng China.
Sa datos na inilathala ng Taiwan defense ministry, nasa 62 Chinese military aircraft ang naitala malapit sa isla sa loob ng 48 oras.
“We have monitored the situation and responded accordingly.” RNT/JGC