Home NATIONWIDE 6% na pagtaas sa dengue cases ‘di nakakaalarma – DOH

6% na pagtaas sa dengue cases ‘di nakakaalarma – DOH

NAG-SPRAY ng mosquito repellant ang isang lalaking ito sa bawat sulok ng kanyang tahanan matapos na opisyal na ideklara ng Quezon City Government ang dengue outbreak, habang ang kaso ay patuloy na tumataas. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – Hindi nakakaalarma ang naobserbahan na 6% na pagtaas ng mga kaso ng dengue sa dalawang linggo ng Mayo, sinabi ng Department of Health (DOH).

Sinabi ni DOH spokesperson Albert Domingo na 6,192 dengue cases ang naitala mula Abril 27 hanggang Mayo 10 habang 6,217 dengue cases ang naitala mula Mayo 11-24.

Ayon kay Domingo, hindi ito nakakabahala ngunit huwag nang hayaan pang lumobo.

Binanggit din ng opisyal na nasa pandaigdigang pamantayan ang bansa sa pagpapanatili ng fatality rate dulot ng dengue.

Ani Domingo, ang nakikitang case fatality rate sa bansa ay nasa 0.4%. Sa 100 n Pilipino na may dengue, apat lang ang namamatay.

Nauna anng iniulat ng DOH na mahigit sa 19,000 kaso ang naitala sa Metro Manila mula Enero hanggang Mayo 17, 2025.

Nagpapakita ito ng 224% na pagtaas kumpara sa parehong panahon noong 2024.

Hinimok ni Domingo ang publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran upang mapuksa ang mga pinamumugaran ng lamok.

Noong Pebrero, inilunsad ng DOH ang “Alas Kuwatro, Kontra Mosquito!” upang mapaigting ang dengue prevention and control efforts sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa buong bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden