MANILA, Philippines – Pinoproseso ng Department of Migrant Worlers (DMW) ang mga kahilingan sa repatriation mula sa 223 Overseas Filipino workers (OFWs) sa Israel gayundin ang pagtugon sa mga pangangailangan sa paglalakbay ng 30 Filipino na bumubuo sa unang batch ng mga returnees.
Sa isang press briefing, ibinahagi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na kasama sa grupo ng 30 ang 26 OFWs na dumating sa Jordan matapos dumaan sa Allenby Bridge at King Hussein Bridge noong Linggo ng umaga.
Makakasama ng 26 ang tatlong iba pang Filipino mula Jordan at iba pa mula Israel-occupied West Bank na sasamahan ni Cacdac sa commercial flight na nakatakdang dumating sa bansa sa Martes ng umaga.
Tatanggap ng kinakailangang tulong ang mga mapapauwing OFWs mula sa gobyerno sa kanilang pagdating sa bansa kabilang ang P150,000 financial asssistance, TESDA training vouchers at allowances, psychosocial counseling at post-arrival mediacl check-ups.
Samantala, binanggit ni Cacdac na ang alert level na itinaas ng Pilipinas sa ibang bansa ay base sa desisyon mula sa Department o Foreign Affairs (DFA) at kaukulang mga embahada ng PIlipinas sa lugar.
Bilang tugon sa itinaas na antas ng alerto sa Israel at Iran, pinayuhan ng DMW ang mga Pilipino na huwag magpatuloy sa mga nakaplanong biyahe sa mga apektadong lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden