Home NATIONWIDE 6 nalambat sa drug den sa Olongapo

6 nalambat sa drug den sa Olongapo

156
0

OLONGAPO CITY- Nalambat ng mga awtoridad ang anim (6) na drug suspek kabilang ang isang Senior Citizen, habang winasak at tuluyang sinira ang umano’y isang makeshift drug den sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Barangay New Kalalake.

Natiklo ang mga suspek matapos umanong maaktuhang magkakasabwat sa pagbebenta ng suspected shabu sa PDEA undercover agent sa lugar (bahay) na ginawa umanong pugad o ginawang pwestuhan o drug den ng mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang nasa anim (6) na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na higit kumulang 8 grams na may standard drug price na higit P54,000, drug paraphernalia at ang marked money na ginamit sa patibong.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Law. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here