Home NATIONWIDE 6 OFWs, kinulong sa HongKong sa visa violations -DFA

6 OFWs, kinulong sa HongKong sa visa violations -DFA

313
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Foreign Affairs na anim na Filipino overseas workers ang nakakulong sa Hong Kong dahil sa umano’y visa violations at sa maling representasyon nito.

Sa impormasyon mula sa Philippine Consulate General sa Hong Kong, sinabi ng DFA na nasa kustodiya ng HK Immigration Department ang anim na Filipino domestic worker.

Inaresto sila dahil sa paglabag sa mga kondisyon ng kanilang pananatili, “by taking up unapproved employment and establishing, or joining in business in Hong Kong; and falsely pretending to be a dentist.”

Tiniyak ng DFA sa publiko na tinutulungan ng Consulate General at Migrant Workers Office sa Hong Kong ang mga nakakulong na manggagawang Pilipino.

“The Consulate General is also coordinating with HK ImmD Foreign Domestic Helpers Section while the official investigation of the case is ongoing,” dagdag nito.

Maaaring bumisita ang mga Pilipino sa Hong Kong nang walang visa nang hanggang 14 na araw. Ang mas mahabang pananatili, kasama ang pagtatrabaho, ay nangangailangan ng mga visa.

Ang mga Foreign Domestic Helper ay pinapayagan lamang na magsagawa ng domestic work para sa employer na may kontrata sila. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here