Home NATIONWIDE 6 OFWs na kinulong sa Hong Kong, aagapayan ng DMW

6 OFWs na kinulong sa Hong Kong, aagapayan ng DMW

308
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na ibinibigay ng gobyerno ng Pilipinas ang buong legal at welfare assistance sa anim na overseas Filipino workers (OFWs) na inaresto sa Hong Kong dahil sa umano’y hindi naaprubahang trabaho at iba pang paglabag.

Sinabi ni Cacdac na nakikipag-ugnayan na ang MWO sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Migrant Workers Office (MWO), at Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Philippine Consulate General (PCG) sa Hong Kong para tulungan ang mga nakakulong na manggagawa.

Kinumpirma ng PCG sa Hong Kong noong Miyerkules ang pag-aresto sa anim na Filipino Foreign Domestic Workers (FDWs) ng Hong Kong Immigration Department (ImmD) sa isang anti-illegal worker operation sa Sham Shui Po noong Agosto 17.

Nakumpiska ng Hong Kong ImmD ang dental equipment at tools na umano’y ginagamit para sa teeth scaling, orthodontic treatments, at denture making sa ikinasang pagsalakay.

Tiniyak naman ng OWWA sa publiko na ang Pilipinas ay mahigpit na nakikipag-koordinsayon sa mga kinauukulang departamento ng Hong Kong habang isinasagawa ang imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here