Home NATIONWIDE 6 pang luxury vehicle ipasusubasta ng BOC sa Mayo 7

6 pang luxury vehicle ipasusubasta ng BOC sa Mayo 7

77
0

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng panibagong public auction ang Bureau of Customs (BOC) para sa anim na luxury vehicles sa Mayo 7.

Sa social media post, sinabi ng BOC-Port of Manila na isasagawa ang public auction sa pamamagitan ng sealed bidding sa conference room ng Prefab Building nito sa Port Area.

Ang mga ipasusubastang sasakyan ay ang Lexus ES (2019); Jeep Wrangler (2021); BMW X6 (2023); Mercedes-Benz S680 Maybach (2023); Bentley Continental (2022); at Rolls-Royce Cullinan (2021).

Nakatakda naman ang public viewing sa mga interesadong bidder sa Mayo 4 at 5 sa BOC-Manila grounds.

Kamakailan ay sinabi ng BOC na target nito ang P69.8 milyong kita batay sa floor prices.

Sa nakaraang public auction noong Abril 28 ay naibenta lamang nito ang Rolls-Royce Phantom 2023 sa halagang P25.5 milyon, mula sa 12 luxury vehicles na iniaalok.

Ang mga sasakyan na ito ay may kaugnayan sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here