Home NATIONWIDE 6 patay sa sunog sa shopping center sa Tsina; ilang indibidwal na-trap

6 patay sa sunog sa shopping center sa Tsina; ilang indibidwal na-trap

156
0

BEIJING, China – Umabot sa anim na bangkay ang narekober ng mga bumbero sa nasunog na 14 na palapag na shopping center sa Tsina habang mayroon pang hindi pa kumpirmadong bilang ng mga na-trap sa gusali, ayon sa state media.

Base footage na ipinalabas ng state broadcaster na CCTV, makikita ang makapal na itim na usok na lumalabas sa isang gusali na matatagpuan sa Zigong sa timog-kanlurang lalawigan ng Sichuan.

Nagsimula ang sunog ng madaling araw sa isang shopping center sa paanan ng gusali, sabi ng channel.

Nasa 30 katao ang nailigtas mula sa shopping complex, kung saan ang apoy ay naapula ng mga rescuer bandang 8:20 pm (1220 GMT), sabi ng CCTV.

“Anim na tao ang napatay,” ulat ng CCTV, at idinagdag na ang paghahanap at pagsagip ay patuloy na may mga taong nakulong pa rin.

Nakatanggap ang emergency services department ng Zigong ng balita tungkol sa sunog bandang alas-6:10 ng gabi at agad na nagpadala ng mga bumbero upang maapula ang apoy, sinabi ng broadcaster.

Ang Zigong, mga 1,900 kilometro mula sa kabisera ng Beijing, ay tahanan ng halos 2.5 milyong tao. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here