Home HOME BANNER STORY Angara opisyal nang naupo bilang Education secretary

Angara opisyal nang naupo bilang Education secretary

172
0

MANILA, Philippines – Tuluyan nang naupo bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) si dating Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara nitong Huwebes sa simpleng seremonya sa punong tanggapan ng ahensiya sa Pasig City.

Pinalitan ni Angara si Vice President Sara Duterte na nagbitiw sa tungkulin nang walang inihayag na kadahilanan.

Sa simbolikong pagsasalin ng tungkulin, tinanggap ni Angara mula kay Duterte ang selyo at watawat ng DepEd na naghuhudayat ng transisyon ng liderato sa ahensiya.

Inihayag ng dating senador na itinakdang ika-37 kalihim ng edukasyon, ang pasasalamat at pangako sa pagpapaunald ng education system ng Pilipinas sa kanyang inaugural speech.

“Napakalaking karangalan po ang ipinagkaloob sa atin ni Pangulong Bong Bong Marcos upang maglingkod bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon,” ayon kay Angara.

Dagdag niya: “Buong pagpapakumbaba kong tinatanggap ang katungkulan na ito, bilang tugon sa tiwala at hamon ng ating Pangulo na higit na pag-ibayuhin ang mga programa na magsusulong sa mataas na kalidad ng karungan para sa ating mga mag-aaral.”

Pinarangalan naman ni Angara ang kanyang pinalaitan at umalis na opisyal ng DepEd sa kanilang dedikasyon at serbisyo.

“Nais kong bigyan ng pagkilala sina Vice President Sara Z. Duterte at mga outgoing officials. Sa loob ng dalawang taon, kayo ang naging sandigan ng ating mga mag-aaral at ng mga guro sa panahon ng mga suliranin,” aniya.

Kinilala din ni Angara ang kahalagahan ng pagtatayo sa umiiral na pagkilos nga ahensiya.

“We will build from what you have already started,” aniya sa tumutukoy sa kanyang predecessor.

Nagpahayag ng pag-asa ang DepEd community at ilan pang stakeholder sa liderato ni Angara na nagtitiwalang magkakaroon ng makabuluhang pagbabago at pagususlong ng Philippine education system. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here