Home NATIONWIDE Withholding tax sa online sellers pinalagan; mga buwis sa mayayaman mas dapat...

Withholding tax sa online sellers pinalagan; mga buwis sa mayayaman mas dapat taasan

97
0

MANILA, Philippines – Muling itinulak ng Freedom from Debt Coalition (FDC) nitong Miyerkoles ang pagpataw ng buwis sa mga mayayaman bilang pinakamahusay na paraan upang makatulong na makabuo ng kita para sa gobyerno sa harap ng lumulubog na utang ng bansa.

Ang komento ng grupo ay inilabas isang araw matapos ipahayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpapatupad ng 1 percent na creditable withholding tax sa mga online seller.

“Nung nag-pandemic, ang dami sa atin na nagsubok na magbenta online. Nakahanap ng paraan para magcope ang mga tao tapos madadagok naman sila dito. Bakit hindi mo targetin yung mas mayayaman? Habulin ninyo yung mga tao na nagtatago ng financial flows?” ani FDC Vice President Raquel Castillo.

“Kailangan ng karagdagang resources ng ating bansa. Obviously, hindi naman pwedeng magdagdag tayo ng additional loans dahil ang taas ng debt burden natin e… Walang ibang kayang magbigay ng additional na kontribusyon sa gobyerno kundi yung mga bilyonaryo,” dagdag pa ni Atty. Tony Salvador ng grupo.

Tumaas pa ang pambansang utang ng Pilipinas sa P15.35 trilyon sa pagtatapos ng Mayo.

Sinabi ng grupo na muli nilang susubukan na maghanap ng mga mambabatas na handang mag-sponsor ng kanilang panukalang batas.

Sa pagpasok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalawang termino sa panunungkulan, umaasa si Salvador na lalayo siya sa neoliberalismo sa pag-iisip na huwag patawan ng buwis ang mayayaman.

“Isa sa mga feature ng neoliberalismo, wag daw i-tax yung mga bilyonaryo kasi hindi mo sila ita-tax, yung perang matitira nila iiinvest nila para lumago raw yung ekonomiya. Kung matatandaan natin, sinubukan na ni Trump yan 2017,” dagdag pa niya.

“Lahat ng study, sinasabi, hindi nagkatotoo na nag-invest yung mga bilyonaryo,” dagdag pa ni Salvador.

Ang grupo ay paulit-ulit na nagtulak ng buwis sa mga mayayaman o sa mga indibidwal na ang net worth ay lumampas sa P300 milyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here