ILOILO CITY- Nahuli ng mga pulis ang anim na hinihinalang drug pushers at nasabat ang P1.3 milyong shabu sa isang buy-bust operation sa lugar na ito nitong Martes.
Kinilala ng Iloilo City Police City Drug Enforcement Unit (ICPO-CDEU) ang mga suspek na si Greg, isang high-value individual, Jan-Jan at Syongo mula sa Bacolod City, Toto mula sa Pulupandan, Negros Occidental, Andres ng Santa Barbara, Iloilo, at Jerry mula sa Quirino province.
Pinuri naman ni Police Col. Kim Legada, city police chief, ang matagumpay na operasyon sa pamumuno ng ICPO-CDEU head Police Capt. Ryan Inot.
“I salute your diligence and perseverance for the good of the community. Let us continue to strengthen our fight against illegal drugs. We will not stop or lower our guard as long as there is still one person selling or using these illegal substances,” wika ni Legada nitong Miyerkules.
Ayon kay Capt. Shella Mae Sangrines, ICPO spokesperson, pinangunahan ng ICPO-CDEU ang operasyon katuwang ang ICPO-Molo Police Station, ICPO-City Intelligence Unit, ICPO-SWAT, at ang Iloilo Maritime Police. RNT/SA