MANILA, Philippines- Isang 29-anyos na lalaki ang humihimas ngayon ng malamig na rehas, ito ay matapos na magpalabas ng arrest warrant ang korte sa umano’y reklamong pangmomolestiya, sa Gabaldon, Nueva Ecija nitong Lunes, Setyembre 16, 2024.
Kinilala ang suspek na si Efren Austria y Salvador, magsasaka, may live-in partner, residente ng Phase 2, Brgy. Pinamalisan, Gabaldon.
Ayon sa pulisya, ganap na alas-9:30 ng umaga nang magkasa ng Manhunt Charlie Operation ang tracker team ng Gabaldon police station, sa Barangay Pinamalisan, Gabaldon, Nueva Ecija.
Dagdag pa, ang suspek ay nakatala sa nabatid na himpilan ng pulisya bilang top 3 most wanted person sa municipal level.
Kaagad namang naaresto ang suspek, makaraang maisilbi rito ang bitbit na warrant of arrest sa kasong Statutory Rape, sa ilalim ng Article 266-A (1) (D) ng Revised Penal Code, Sec.1 Republic Act (RA) 11648, may Criminal Case No. 4878-P-24, pinetsahan noong April 3, 2024 sa Third Judicial Region, Branch 7, Palayan City, Nueva Ecija at walang piyansa.
Gayundin, arestado ito sa paglabag umano sa Republic Act 7610 ng Section 10 (A) Article 6, may Criminal Case No. 4876-P-24 at 4877-P-24 pinetsahan noong April 11, 2024 sa kaparehong korte, may piyansamh P200,000.
Pansamantalang nakapiit ang suspek sa custodial facility ng Gabaldon MPS. Elsa Navallo