Home METRO 6 utas, 14 sugatan sa banggaan sa Pangasinan

6 utas, 14 sugatan sa banggaan sa Pangasinan

1
0

LABRADOR, Pangasinan — Anim katao ang nasawi habang 14 ang nasugatan matapos bumangga ang isang mini-dump truck sa pickup truck at mahulog sa bangin sa Barangay Bolo noong Martes ng gabi.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nawalan umano ng kontrol ang driver ng mini-dump truck na may sakay na 25 empleyado dahil sa umano’y pumalyang preno.

Sumalpok ang mini-dump truck sa kaliwang bahagi ng pickup truck na may lulan namang 12 pasahero dahilan upang dumulas ito patungo sa gilid ng kalsada. Nagpatuloy sa pag-andar ang mini-dump truck bago tuluyang mahulog sa bangin.

Ayon sa pulisya, anim na pasahero ng mini-dump truck ang nasawi habang 13 iba pa, kabilang ang driver nito, ang nasugatan.

Nasugatan din ang isang pasahero ng pickup truck. Hindi naman napinsala ang driver at iba pang sakay nito ngunit dinala pa rin sa pagamutan para masuri.

Patuloy ang retrieval operations at imbestigasyon sa insidente habang nananatili pa sa lugar ang dalawang sasakyan. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here