Home HOME BANNER STORY ICC ‘di ginagamit ng gobyerno bilang political weapon – Malakanyang

ICC ‘di ginagamit ng gobyerno bilang political weapon – Malakanyang

3
0

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang alegasyong ginagamit bilang political weapon ang International Criminal Court (ICC), at iginiit na isang Pilipino ang naghain ng kaso kaugnay ng umano’y mga pag-abuso sa kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte noong 2017.

“Unang-una alam naman natin ang ICC korte po ito at meron namang kaso. May kaso na kapwa nating Pilipino ang nagsampa laban sa mga diumanong pang-aabuso patungkol sa EJK (extra-judicial killing). So huwag natin kalimutan ‘yan. Pilipino rin po ang nagsampa ng kaso,” ani Castro.

Ayon sa kanya, kung may inilabas na balidong warrant of arrest ang ICC, ito ay bahagi ng proseso upang papanagutin ang sinumang dapat managot.

“So bakit ba lagi natin sinisi ang korte, sinisi natin ang administrasyon. Huwag natin kalimutan na yung kaso nasampa ito 2017 pa. So hindi ito wine-weaponize, kinakailangan lamang po na matugunan din ang hiling ng mga kababayan natin,” dagdag niya.

“Kung may kailangan may managot, dapat na managot. Kung kailangan may malinis ang pangalan, malinis ang pangalan. Ang nagyayari kasi dito, lagi na lamang ginagamit ang isyu na ito para pagalitin ang kapwa natin Pilipino at pag-usapan ang tungkol sa soberenya,” aniya pa.

Binigyang-diin din ni Castro na may umiiral na batas sa bansa na nagpapahintulot sa pagsuko ng mga respondent sa ICC.

Ginawa ni Castro ang pahayag matapos sabihin ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte na nagpalabas na umano ang ICC ng arrest warrant laban kay Senador Christopher “Bong” Go at dalawang dating opisyal ng pulisya. Ayon kay Duterte, isang “highly reliable source” ang nagbigay sa kanya ng naturang impormasyon at inakusahan niya ang administrasyon na ginagamit ang ICC laban sa mga kalaban sa pulitika.

Kaugnay naman ng mga posibleng warrant laban sa iba pang respondent sa kaso ng ICC, sinabi ni Castro na Department of Justice (DOJ) ang dapat sumagot sa mga usaping may kinalaman sa pagpapatupad nito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here