Home NATIONWIDE Trump, Iran President lumagda na sa peace deal

Trump, Iran President lumagda na sa peace deal

3
0

WASHINGTON – Nilagdaan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang isang kasunduan noong Miyerkules na naglalayong wakasan ang digmaan sa Gitnang Silangan na nagsimula noong Pebrero, kapalit ng pagpayag ng Iran na bawasan ang stockpile nito ng enriched uranium kapalit ng malawakang tulong pang-ekonomiya.

Nilagdaan ni Trump ang memorandum of understanding sa isang hapunan kasama si French President Emmanuel Macron sa Palace of Versailles matapos ang G7 summit. Kinumpirma rin ng Iran na pinal na ang kasunduan.

Sa ilalim ng kasunduan, agad na aalisin ng Washington ang oil sanctions laban sa Iran at tutulong sa pagpapalabas ng $300 bilyong reconstruction fund na suportado ng mga bansa sa rehiyon kapag naisapinal ang kasunduan hinggil sa nuclear program ng Tehran.

Ang kasunduan ay kasunod ng ilang buwang labanan sa pagitan ng Estados Unidos, Israel at Iran na nagdulot ng pagkaantala sa operasyon ng Strait of Hormuz, isang mahalagang rutang dinadaanan ng pandaigdigang suplay ng langis.

Inilarawan ng Iran ang kasunduan bilang isang “failure” para sa Estados Unidos, habang tinawag naman ni Hezbollah chief Naim Qassem itong “great victory” para sa Iran. Nanawagan din ang China sa lahat ng panig na tuparin ang kanilang mga pangako sa ilalim ng kasunduan.

Pansamantala lamang ang kasunduan habang nagpapatuloy ang mas masalimuot na negosasyon tungkol sa nuclear program ng Iran. Nagbabala si Trump na handa siyang “bomb the hell” out of Iran kung lalabag ito sa napagkasunduan.

Mariin namang kinondena ni US Senator Bill Cassidy ang kasunduan at sinabing, “Iran’s nuclear ambitions were not curbed, and they have learned that threatening the Strait of Hormuz works. Sanctions will be lifted, and the bombing has stopped. This is the worst foreign policy blunder in decades.”

Magsisimula na ngayon ang dalawang buwang negosasyon, kabilang ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz at ang pagbabawas ng enriched uranium ng Iran sa ilalim ng pangangasiwa ng International Atomic Energy Agency (IAEA).

Sa kabila ng kasunduan, nagpapatuloy pa rin ang karahasan sa Lebanon kung saan iniulat na lima ang nasawi sa mga pag-atake ng Israel, habang sinabi ng Israeli military na lima rin sa kanilang mga sundalo ang nasugatan sa isang drone attack sa southern Lebanon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here