Home NATIONWIDE 60K katao hagip ni Tino; 1 naiulat na nasawi

60K katao hagip ni Tino; 1 naiulat na nasawi

375
0

MANILA, Philippines – Iniulat na isang tao ang nasawi at 59,918 katao (17,124 pamilya) ang apektado ng Bagyong Tino, ayon sa NDRRMC nitong Martes. Patuloy pang beripikahin ang pagkamatay ng isang babaeng hindi pa nakikilala.

Sa mga naapektuhan, 9,170 pamilya (32,286 katao) ang tumanggap ng tulong sa loob ng 362 evacuation center, habang 3,300 pamilya (10,641 katao) ang tinulungan sa labas ng mga evacuation center.

Umabot sa 75,591 katao sa MIMAROPA, Rehiyon 6, 7, 8, at Caraga ang lumikas bilang preemptive measure. Na-stranded din ang 1,403 pasahero, 554 rolling cargo, at 46 barko sa 108 pantalan. Samantala, 459 lungsod at munisipalidad ang nagsuspinde ng klase, at 311 ang nagsuspinde ng trabaho sa gobyerno.

As of 8 a.m., nanatili ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 sa siyam na lugar habang papalapit si Tino sa Panay Island. Inaasahang aalis ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility sa Nobyembre 6. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here