Home NATIONWIDE PNP naghahanda na sa Nov. 30 protests; posibleng banta, mino-monitor

PNP naghahanda na sa Nov. 30 protests; posibleng banta, mino-monitor

298
0

MANILA, Philippines – Naghahanda ang Philippine National Police (PNP) at pinag-aaralan ang posibleng “threat groups” bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa anti-corruption protests sa Nobyembre 30.

Ayon kay Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nangongolekta ang PNP ng impormasyon tungkol sa dami ng dadalo, lugar ng rally, at mga grupong dapat bantayan upang makabuo ng solidong plano, maipamahagi nang maayos ang pwersa, at maiwasan ang karahasan tulad ng nangyari noong Sept. 21 protests, na nagdulot ng dalawang pagkamatay at mahigit 200 na naaresto, kabilang ang 90 menor de edad.

Inihayag naman ng Trillion Peso March organizers na gaganapin muli ang malaking protesta sa Nob. 30, kasabay ng kaarawan ni Andres Bonifacio, upang ipagpatuloy ang kampanya laban sa kinikilalang anomalya sa flood control at iba pang infrastructure projects. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here