Home NATIONWIDE 60K pulis ipinakalat sa mga aktibidad ngayong Labor Day

60K pulis ipinakalat sa mga aktibidad ngayong Labor Day

MANILA, Philippines – Nagpakalat ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit 59,000 tauhan para magbigay-seguridad sa mga aktibidad ngayong Labor Day.

Malaking bahagi nito o 11,000 tauhan ang nakatalaga sa Metro Manila.

Ayon naman kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Maj. Hazel Asilo, sa nasabing bilang, 1,202 officers ang itinalaga para sa mobile patrol, 1,138 para sa
anti-criminality operations; at 1,006 officers para sa civil disturbance management.

Nagpahayag naman ng suporta sa selebrasyon ng Labor Day ang PNP.

“Sa kabila ng iba’t ibang hamon, nananatiling matatag ang ating mga manggagawa. Sila ang pundasyon ng ating lipunan.”

“Kami rin ay mga lingkod bayan, mga manggagawang handang magsakripisyo para sa kapayapaan at kaayusan,” dagdag pa ng ahensya. RNT/JGC