BRAZIL – Pumanaw na nitong Miyerkules, Abril 30, ang pinakamatandang tao sa mundo na si Brazilian nun Inah Canabarro Lucas, sa edad na 116.
Si Lucas na isang madre, ay inialay ang kanyang buhay sa paglilingkod sa Diyos.
Sa kanyang pagpanaw ay naipasa na ang rekord ng pinakamatandang tao sa mundo kay Ethel Caterham, residente ng Surrey, England, na 115 taong gulang, ayon sa US Gerontological Research Group (GRG) at LongeviQuest database.
Si Canabarro ay ipinanganak noong Hunyo 8, 1908, na itinanghal na world’s oldest person kasunod ng pagpanaw noong Enero ng isang babaeng Hapon na si Tomiko Itooka, na edad 116 din.
Nakatanggap si Canbarro ng basbas mula kay Pope Francis sa ika-110 kaarawan nito.
Sinabi ng LongeviQuest na si Canabarro ang naging 15th-oldest documented person sa kasaysayan, at ang second-oldest nun matapos ang pagpanaw ni Lucile Randon ng France sa edad na 118 noong 2023. RNT/JGC