Home METRO Libreng medikal, dental at legal caravan kaloob ng FPJ Panday Bayanihan partylist

Libreng medikal, dental at legal caravan kaloob ng FPJ Panday Bayanihan partylist

Umarangkada na ang libreng medical at dental caravan ng FPJ Panday Bayanihan partylist nang paglingkuran nito ang daang residente sa bayan ng San Jacinto,Pangasinan.

Bahagi din ng caravan ang libreng serbisyong panggugupit at legal na konsultasyon ang hatid ng FPJ Panday Bayanihan partylist sa pangunguna ni Brian Poe Llmanzares unang nominado ng naturang partylist .

Ayon kay Brian Poe, inilalapit po ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang mga libreng serbisyong para matugunan ang mga pangangailangan ng basic health at legal services ng ating kababayan naninirahan sa liblib na pook sa kanayunan o economically disadvantaged areas.

Ikinalugod din po namin ang pakikipagtulungan ng LGUs, katuwang ang mga volunteers, doktor at abogado sa matagumpay na libreng gamutan at legal na konsultasyon, pahayag pa ni Brian Poe.

Plano ng FPJ Panday Bayanihan partylist na palawakin ang caravan sa iba pang mga lugar, na ginagamit ang epektibong pagtutulungan ng magkakasama ang lahat ng stakeholder upang matiyak na mas maraming Pilipino ang may access sa mahahalagang pangangalagang pangkalusugan at legal na suporta.

Ang inisyatiba na ito ay nagpapakita ng paninindigan ng partylist sa paglilingkod sa mga pangangailangan ng mga tao, partikular sa mga madalas na napapansin at hindi nabibigyan ng serbisyo. RNT