Home ENTERTAINMENT Barbie, aminadong ‘hilaw’ pa sa pelikula!

Barbie, aminadong ‘hilaw’ pa sa pelikula!

Manila, Philippines- Walang ibang nakakakilala sa kakayahan o kahinaan ng isang tao kundi ang sarili rin niya.

Nagpakatotoo lang si Barbie Forteza nang aminin niya sa vlog nila ni Kim Chiu ang kanyang “artistic limitations” bilang aktres.

Between doing movies and teleseryes, mas kumportable raw ang GMA Primetime Princess sa paggawa ng huli.

Kering-keri nga raw niya ang 30 sequences na kallangang kunan buong maghapon.

This is in stark contrast daw pag gumagawa ng pelikula.

Aminado si Barbie na mas marami siyang nagagawang teleserye kesa mga pelikula.

Paliwanag niya: “Kasi sa pelikula, kokonti lang ang mga eksena, tapos, putul-putol pa dahil ang daming anggulo whereas pag teleserye, mabilisan!”

Nasanay na rin daw kasi siya sa demands ng taping o TV series, kung saan hindi mahabang oras ang kinakain.

Sa tanong naman ni Kim kung alin ang mas bet ni Barbie, to play bida o kontrabida ay ang una ang preference niya.

Aniya, pag siya raw kasi ang bida ay kailangan niyang aralin ang ibang karakter ng mga katrabaho niya: “likutan mo kasi sila sa kuwento, eh!”

Nakakataba naman daw ng puso if her good performance gets written about: “Nakakawala ng pagod. At least, it’s worth it!”

Indirectly, isiniwalat ni Barbie kung ano ang nakakapagpairita sa kanya in terms of her co-workers on the set.

Ang pagiging late daw lagi noon ng katambal niyang si David Licauco was something that pissed her off.

“Talagang pinaramdam ko sa kanya!

Ang description ko nga sa kanya noon was ‘annoying!” ani Barbie noong magkatrabaho sila sa late night series na Mano Po sa GMA.

“But we’re friends now. Hangga’t maaari, never na siyang dumarating nang late sa set,” kumpisal ni Barbie. Ronnie Carrasco III