Home METRO 14-anyos laslas-leeg sa jowa

14-anyos laslas-leeg sa jowa

MANILA, Philippines – Laslas ang leeg ng isang 14-taong gulang na estudyante sa Cebu City matapos na saktan ng 18-taong gulang na boyfriend dahil sa isang emosyonal na breakdown.

Hindi bababa sa apat na tama sa leeg at pasa sa likod ang natamo ng biktima mula sa kanyang boypren.

Ang biktima, na kilala sa pangalang “Lydia,” ay natagpuan sa comfort room (CR) ng paaralan ng kanyang pinsan na siyang nag-ulat ng insidente sa mga guro.

Dinala siya sa ospital noong Pebrero 10, 2025.

Sa isang follow-up na operasyon, inaresto ng Mabolo Police ang 18-taong gulang na suspek, na isang kaklase ng biktima.

Iniulat na nais na ng biktima na makipaghiwalay, ngunit tumanggi ang suspek at dinala siya sa isang abandunang CR kung saan pinagsasaksak siya gamit kutsilyo.

Hindi pa nakumpirma ng paaralan kung may romantic na relasyon ang dalawa, at nagsagawa na ng intervention program sa mga estudyante.

Pinayuhan ng pulisya ang publiko na itigil ang pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa insidente. Isasampa ang kaso ng frustrated homicide laban sa suspek. RNT