Home METRO 200 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Caloocan

200 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Caloocan

MANILA, Philippines – Humigit kumulang 200 pamilya ang nawalan ng tahanan at mga ari-arian makaraang tupukin ng apoy sa isang sunog na naganap sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Dakong alas dos ng madaling araw ng magising ang mga residente ng Kawal purok 5, Barangay 28 ng nasabing lungsod dahil sa biglaang paglaki ng apoy na agad na kumalat at tumupok sa mga kabahayan na karamihan ay gawa sa light materials.
Tumagal ng mahigit apat na oras ang nasabing sunog bago ganap na naapula.

Bagamat naging mabilis ang pag responde ng mga bumbero ay lubhang nahirapan ang mga ito na pasukin ang nasabing lugar dulot ng maliliit na eskinita at mga nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga pamilyang nasunugan sa himpilan ng Barangay 28 at sa isang covered basketball court sa lugar.

Patuloy namang nagsasagawa ng pagsisiyasat ang awtoridad hinggil sa pinagmulan ng nasabing sunog. Rene Manahan