MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang indibidwal sa ikinasang buy-bust operation ng mga miyembro ng Muntinlupa City police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nakakumpiska ng ₱60,000 halaga ng pinatuyong dahoon ng marijuana Martes ng madaling araw, Pebrero 11.
Sa report na isinumite ng Muntinlupa City police sa Southern Police District (SPD) ay kinilala ang dalawang nadakip na suspects na sina alyas Ralph, 23, at isang alyas Jimuel, 23.
Naganap ang pagdakip sa mga suspects sa ikinasang buy-bust operation ng SDEU bandang ala 1:10 ng madaling araw sa Barangay Bayanan, Muntinlupa City.
Sa naturang operasyon ay nakuha sa posesyon ng mga suspects ang may kabuuang 500 gramo ng pinatuyong dahoon ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱60,000.
Ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa SPD Frensic Unit para sumailalim sa qualitative at quantitative analysis habang nahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng SDEU.
“The seizure of 500 grams of marijuana and the arrest of these suspects reflect our relentless fight against illegal drugs. We will continue working tirelessly to dismantle drug operations and bring offenders to justice. We call on the community to stay proactive in reporting illegal activities and supporting our mission for a safer Muntinlupa,” ani SPD director PBGEN Manuel J. Abrugena. (James I. Catapusan)