Home NATIONWIDE LPA sa Palawan may mababang posibilidad na maging bagyo

LPA sa Palawan may mababang posibilidad na maging bagyo

MANILA, Philippines – Ang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility ay may mababang tsyansa na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 na oras.

Sa 8 a.m. bulleting ng PAGASA, ang LPA ay matatagpuan sa 360 kilometro hilagang-kanlurang bahagi ng Pag-asa Island sa Kalayaan, Palawan.

Gayunpaman, inaasahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Isabela at Aurora mula Miyerkules hanggang hapon ng Huwebes dahil sa shearline.

Mas malakas na ulan ang posibleng maranasan sa mga kabundukan, at maaaring maging mas malala ang epekto sa mga lugar na nakaranas ng matinding pag-ulan. RNT