Home HOME BANNER STORY Direktang GCash, Maya loading kinalos na ng BPI

Direktang GCash, Maya loading kinalos na ng BPI

MANILA, Philippines – Tinanggal ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ang direktang pag-load ng e-wallet o pag-transfer ng pera para sa GCash at Maya simula Pebrero 13, 2025.

Hindi na magagamit ng mga customer ng BPI ang “Load E-Wallet” na opsyon sa BPI mobile app upang mag-fund ng kanilang GCash o Maya accounts.

Sa halip, inirerekomenda ng BPI ang paggamit ng InstaPay at PesoNet sa pamamagitan ng “Transfer to other banks” function, kung saan maaaring piliin ang “G-Xchange” para sa GCash o “Maya Philippines Inc/Maya Wallet” para sa Maya.

Ang pagbabago ay alinsunod sa BSP Circular 980 at sumusunod sa mga rekomendasyon ng Philippine Payments Management, Inc. upang mapabuti ang seguridad at kahusayan ng mga digital na transaksyon. RNT