Pinasalamatan ng nangungunang technology group na Click Party List ang mga tagasuporta para sa kanilang patuloy na pagtitiwala dahil nagtagumpay sila at kabilang sa mga nangungunang pagpipilian ng mga botante, partikular sa lugar ng CALABARZON.
Ipinahayag ni click first nominee at digital lawyer Atty. Nicasio “Nick” Conti na ang paglago ng kamalayan at suporta, nagmumula sa iisang hangarin ng bawat Pilipino, na magkaroon ng mas mabilis at mas magandang koneksyon para sa pinabuting edukasyon, komunikasyon at serbisyo publiko.
Ayon kay Atty. Conti, ipaglalaban ng Click partylist ang karapatan ng bawat Pilipino sa Kamara sa koneksyon, teknolohiya at pagpapaangat ng antas ng buhay ng bawat Pilipino.
Nanawagan ang mga mamamayan at netizens ng mga bagong mukha sa Kongreso, na nagsasabing ang mga bagong personalidad dapat na may kaalaman sa mga legal na paglilitis at hindi lamang isang pangalan o apelyido ng ibang tao.
Tumatakbo ang Click sa ilalim ng numero 34 sa mga balota.
Nauna nang nanawagan ang Click para sa 20 porsiyentong diskwento ng mag-aaral para sa mga mag-aaral kapag bumibili ng load.
Nakakuha ito ng malawakang suporta mula sa publiko partikular na sa mga estudyanteng gumagamit ng prepaid services ng telco.
Sinusugan ito ni Senador Francis Tolentino at naghain sa Senado ng kaugnay na panukalang batas. RNT