MANILA, Philippines – Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng reklamo laban kay Bise Presidente Sara Duterte.
Ito ay kasudon ng pahayag ni VP Sara na siya ay nag-hire ng tao upang patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Unang Ginang Liza Araneta, at Speaker Martin Romualdez kung magtagumpay ang isang umano’y plot laban sa kanya.
Kinumpirma ni NBI Director Jaime Santiago na naipasa na ang rekomendasyon sa Department of Justice (DOJ) na magtatalaga kung mag-iimbestiga o hindi.
Sa isang online press briefing noong 2024, sinabi ni Duterte na nag-utos siya sa isang tao na patayin sina Marcos, Araneta, at Romualdez kung siya ay mapatay.
Nilinaw ni Duterte na hindi ito isang banta at siya ay na ‘out of context’ lamang.
Nagpasa siya ng liham na nagtatanggi sa mga akusasyon laban sa kanya. RNT