Home METRO Kumander, 2 pang NPA sumuko sa Cagayan

Kumander, 2 pang NPA sumuko sa Cagayan

TIGUEGARAO CITY, Cagayan – Tuluyan ng nagbalik loob sa pamahalaan ang isa sa pinakamataas na kumander at dalawang miyembro ng New Peoples Army o NPA sa lalawigan ng Cagayan.

Personal na iprinisinta ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) at ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang tatlong (3) sumuko na dating (NPA) kabilang na ang Vice Commander ng Komiteng Probinsiya (KOMPROB) sa mga lokal na media na ginanap sa Conference Hall, Main Building Capitol Complex, Alimannao Hills, sa Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang mga sumukong rebelde na sina Ka Ranny, Ka Madel, at Ka Max.

Si Ka Ranny ay isang Vice Commander ng KOMPROB na may hawak na mataas na posisyon sa mga operasyon ng rebelde na gumagalaw sa probinsiya ng Cagayan at dating squad at platoon leader sa ilalim ng Hendrick Abraham Command.

Habang sina Ka Madel at Max ay kapwa miyembro ng Indigenous People at sumapi sila sa kilusan noong taong 2020.

Nagsilbi naman ang dalawa bilang Supply Officer ng West Front Committee ng KOMPROB Cagayan.

Ang pagsuko ng tatlong NPA ay isang simbolo at resulta ng mas pinaigting na kolaborasyon ng mga awtoridad at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Samantala, itinuturing ng otoridad na isang malaking tulong upang magkaroon ng maayos, tapat at payapa ngayon midterm National and Local Election sa May 2025. Rey Velasco