Home METRO 32 estudyante sugatan sa bumaliktad na dyip

32 estudyante sugatan sa bumaliktad na dyip

(Image Representation Only)

BALBALAN, Kalinga – Nauwi sa malagim na trahedya ang masaya sanang pakikilahok sa piyesta ang 32 estudyante na miyembro ng drum and lyre matapos na bumaliktad ang kanilang sinasakyan dyip sa Sitio Saleng, Balannay, Balbalan Kalinga Province.

Ang mga biktima ay pawang mga contingent ng Balbalan na kalahok sa drum and lyre competition sa kasalukuyang gnaganap na 30th Founding Anniversary ng probinsya ng Kalinga.

Ang mga biktima ay kinabibilangan ng walong grade 11 students, limang grade 9 students, tig-apat na grade 7 at 8 at 12, isang grade 10, isang teacher, dalawang trainor, ang driver ng jeep at dalawa nitong pahinante.

Isa mga biktima ay dinala sa isang pribadong ospital sa Tuguegarao kung saan sinasabing may sugat sa ulo.

Naka-convoy ang mga biktima sa mga inupahang sasakyan papunta sana ng Tabuk City Kalinga para sa kompetisyon.

Nasa gitna ang nadisgrasyang dyip sa tatlong convoy o magkakasunod na behikulo na sinakyan ng mga contingent ng Balbalan. Pagdating sa palikong bahagi ng kalsada sa nabanggit na lugar, naglock-up ang preno ng jeep. Dahil sa presence of mind ng driver at hindi naman nataranta o nagpanic kinabig niya sa kanang bahagi ng kalsada hanggang sa tuluyang bumangga sa gilid na dahilan ng pagbaliktad ng sasakan.

Mabuti na lamang at sa kanang bahagi ng kalsada dumiretso ang dyip at kung sa kaliwa nahulog ito sa bangin.

Tutulong ang LGU Balbalan sa pamumuno ni Mayor Almar Malannag sa gastusin ng mga biktima sa pagpapagamot.

Samantala, defending champion ang contingent ng Balbalan sa drum and lyre competition sa taunang Bodong Festival ng Kalinga province. (REY VELASCO)