MANILA, Philippines – Mariing kinondena ni dating dating Tagapangulo ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Chair Allen Capuyan ang P400 milyong pagbawas sa pondo ng nasabing ahensya sa ilalim ng General Appropriations Act ng 2025.
Ayon kay Capuyan, malaki ang magiging epekto ng pagbabawas, partikular sa mga programang pang-edukasyon tulad ng NCIP-Davao educational scholarship initiative, na nabawasan ng P15 milyon.
Binanggit niya na ang naturang hakbang ay maglalagay sa panganib sa mga iskolar at mga mag-aaral na umaasa sa mga programang tumutok sa pagpapalago ng edukasyon para sa mga Katutubo.
“Sa halip na bawasan ang pondo, dapat itong palakasin upang mas matulungan ang ating mga Katutubo,” pahayag ni Capuyan, na nagbigay-diin sa pangangailangan ng dagdag na suporta para sa mga programang pang-katutubo sa buong bansa. RNT