Home NATIONWIDE ‘Ghost students’ probe ikakasa sa Senado

‘Ghost students’ probe ikakasa sa Senado

MANILA, Philippines – Nakatakdang paimbestigahan sa Senado ang natuklasan ng Senate committee on basic education na mayroon “ghost students” na ipinapasok ng pribadong paaralan sa voucher system ng Department of Education (DepEd) sa senior high school.

Nitong Miyerkoles, Pebrero 19, naghain si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ng Senate Resolution No. 1316, na inaatasan ang Senate Committee on Basic Education to conduct na pinamumunuan ni Senador Win Gatchalian na paimbestigahan ang “ghost students” upang makalikha ng kailangang remedial measures.

Sa kabila ang pagkilala sa pagkilos ng DepEd na pinamumunuan ni dating senador, Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara, sinabi ni Estrada na kailangan magsabatas ang Kongreso ng pamamaraan upang mapalakas ang SHS voucher program, itinakda ang ipinagbabawal na pagkilos at magpataw na mas mabigat na parusa sa sinumang lalabag.

“It is imperative for the government to monitor the proper implementation of the SHS voucher program to ensure that public funds are judiciously allocated and that the intended beneficiaries of the said program are not deprived of the assistance they need,” ayon kay Estrada.

“The effectiveness and integrity of the SHS voucher program should persistently be upheld to ensure quality and accessible education for the Filipino youth,” aniya pa.

Naunang Inihayag ni Angara na nagsasagawa ng imbestigasyon ang ahensiya kasabay ng pagpapatupad ng mas mahusay na pagkilos kabilang ang paghahanda sa terminasyon ng accreditation ng sangkot na paaralan.

Aniya, nangangalap ng kaukulang ebidensiya ang DepEd laban sa responsableng indibiduwal na sasampahan ng kasong administratibo at criminal.

Ngunit, hindi pa nakukumpirma ng DepEd kung ilan ang bilang ng ghost students at nakatakda pang magbigay ng espisipikong halaga ng pondo na sangkot sa anomalya. Aabot sa 12 private schools ang iniimbestigahan ng DepEd.

“Ang pondong inilaan para sa SHS voucher program na nagkakahalaga mula P17,500 hanggang P22,500 ay dapat pakinabangan ng mga mahihirap na kabataang nangangarap na makapagtapos man lang ng senior high school, hindi ng kung sino-sinong nagmamanipula ng programa ng gobyerno, ayon sa senador.

Sinabi naman ni Gatchalian na kinumpirma ng pagtugis ng DepEd sa ghost beneficiaries ng SHS Voucher Program ang natuklasan ng komite hinggil sa implementasyon ng E-GASTPE Law o Republic Act No. 8545.

“The inquiry revealed that from School Year 2020-2021 to SY 2022-2023, documentary and qualification issues involving 11,825 SHS VP beneficiaries resulted in a projected refund of P310.04-million, with P239.3 -million still to be returned to the government,” ayon kay Gatchalian.

Kaya sinabi ni Gatchalian na dapat pagbutihin ng DepEd ang billing system upang mabilis na masuri ang mag-aaral at tiyakin ang agarang pagbabayad sa mga paaralan.

“I have observed that with the increasing SHS-VP budget, some schools prioritize securing vouchers over education quality, which goes against the program’s objective,” ayon kay Gatchalian.

“Also, I will continue pushing for the passage of the Government Assistance to Private Basic Education Act (Senate Bill No. 2911) to help decongest public schools,” dagdag ng senador. Ernie Reyes