Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na simula Pebrero 14, 2025, sasagutin na nito ang lahat ng outpatient emergency cases sa accredited level 1 hanggang level 3 na ospital sa buong bansa sa ilalim ng facility-based emergency (FBE) benefit.
Nilinaw ng PhilHealth na hindi na kailangang kumuha ng hiwalay na akreditasyon ang mga ospital para sa FBE benefits, dahil kasama na ito sa kanilang kasalukuyang akreditasyon. Gayunpaman, ang mga may extension facilities ay kailangang magsumite ng sertipikasyon sa kanilang PhilHealth Regional Office na may pangalan at address ng kanilang kaugnay na pasilidad.
Inaasahang mag-aanunsyo rin ang PhilHealth ng coverage para sa ambulance services sa ilalim ng pre-hospital emergency benefit.
Ang outpatient emergency care benefit, na bahagi ng bagong pinalawak na benepisyo ng PhilHealth ngayong taon, ay sumasaklaw sa emergency services, kabilang ang emergency care sa ospital at emergency transport para sa mga kasong hindi nangangailangan ng pagpapaospital. RNT