MANILA, Philippines – Pinuri ng Philippine Coast Guard ang Norway-flagged ship MV Sunny Victory matapos iligats ang na-stranded na Flipino fisherman sa Calavite Point sa Mindoro noong Lunes.
Sa isang pahayag, sinabi ng PCG na ang 35 anyos na si Michael Conquesto ay nangingisda gamit ang maliit na bangka alas-4 ng madaling araw nang magkaaberya aat nawalan ng contact sa kanyang mother boat FB Anton Char.
Si Consqueto ay na-istranded at naanod hanggang sa nakita ng MV Sunny Victory ang kanyang distress call at siya ay tinulungan.
Mula noon ay inilipat na ng PCG District Palawan ang mangingisda sa kanyang mother boat “na nasa mabuting kalagayan.”
“On behalf of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., the PCG commends MV Sunny Victory for their swift response,”
“This incident highlights the importance of maritime cooperation and the shared commitment to preserving lives at sea,” sabi ng PCG. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)