MANILA, Philippines – Kinilala ng TasteAtlas ang tortang talong bilang pangalawang pinakamahusay na putaheng itlog sa mundo, na may rating na 4.4 sa 5.
Inilarawan ang tortang talong bilang isang “simpleng pagkaing Pilipino” na gawa sa inihaw na talong at bahagyang binating itlog, na kahawig ng isang malutong na omelet.
Pinuri rin ang pagiging abot-kaya at madaling lutuin nito, kaya’t maaaring kainin sa almusal, tanghalian, o hapunan. Pinakamainam umano itong ihain kasama ng kanin at alinman sa tomato o banana ketchup.
Ilan sa mga inirekomendang kainan na naghahain ng masarap na tortang talong ay ang Sarsa Kitchen and Bar sa Makati, La Preciosa Restaurant sa Laoag, at LZM Restaurant sa Tagaytay.
Samantala, nakuha ng Ajitsuke tamago ng Japan ang unang pwesto na may parehong 4.4 rating. Noong nakaraan, nasa ikalimang pwesto ang tortang talong sa listahan ng TasteAtlas para sa 100 pinakamahusay na pagkaing Pilipino noong 2024. RNT