Home TOP STORIES ABP lalahok sa Fire Prevention Month celebration ngayong Marso

ABP lalahok sa Fire Prevention Month celebration ngayong Marso

NAKIKIISA ang “Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party list sa pagdiriwang ng taunang Fire Prevention month na isinasagawa tuwing buwan ng Marso.

Nabatid na ang nasabing pagdiriwang ay may temang “Pag -iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa para sa mas Ligtas na Pinas”kung saan ang ABP party list ay patuloy na magsasagawa ng libreng training para sa bawat komunidad at pamilya sa tamang paghahanda at mabilis na pagtugon sa mga emergency katulad ng sunog, lindol, baha at iba pang kalamidad na ginagawa nila sa pag-ikot sa ibat-ibang lugar sa bansa.

“Kailangang magkakabuklod ang bawat Pilipino sa pagtugon na may sapat na kaalaman at kahandaan sa mga kalamidad,” ayon kay ABP first nominee Jose Antonio “Ka Pep Goitia”.

“Sa mga isinasagawa naming pagbisita ay itinuturo ng grupo ang emergency response drill at tamang paggamit ng fire extinguishers,” diin ni Goitia.

“Mas ligtas pag palaging handa. Ang ABP at ang mga miyembro nito ay walang takot at walang sawang magbibigay ng serbisyo kahit anong oras. Handang rumesponde sa lahat ng emergency,” ayon pa kay Goitia.

Layunin ng ABP na binubuo ng koalisyon ng mga bumbero, fire rescuers at volunteers na makapagbigay ng serbisyong walang kapantay sa pagsagip ng buhay.

ayon pa kay Goitia, itinuturing umano na isang “apostolic work” ang kanilang ginagawa dahil sa nakaambang panganib at maaring ikapahamak at ipagbuwis ng buhay sa pagresponde sa mga sakuna partikular ang sunog.

Kaugnay nito layunin ng ABP partylist na ipaglaban ang pagkakaroon ng maraming benepisyo, insurance at medical assistance ng mga miyembro nito dahil sa kasalukuyan ay minimal allowance at walang suweldo na natatanggap kapalit ng serbisyong ibinibigay sa mamamayan ng mga itinuturing na mga bayani ng sunog.

Sa sunod -sunod na suporta na kanilang natatanggap naniniwala si Goitia na patuloy aangat pa ang ABP sa mga surveys at makakapasok sa Top 10 ang ABP dahil sa mabuting layunin ng party list ang makabuluhang adhikain upang gawing ligtas ang Pilipinas.

Matatandaang umakyat sa pang labing apat na pwesto ang ABP na kinabibilangan ni Ka Pep Goitia, Lenin Bacud, Jose Mari Antonio Goitia, Carl Gene Moreno Plantado at Howie Quimzon Manga sa isinagawang survey mula Pebrero 11-14 ng Tangere samantalang nasa Top 24-25 naman sa Octa Research isang mapagkakatiwalaang non-profit , independent public research organization.

“Matibay ang kumpiyansya ko na magtatagumpay kami dahil sa suporta ng mga Pilipino na naniniwala sa kasabihan ng mga matatanda na manakawan ka na, huwag ka lang masusunugan” diin ni Goitia. RNT