Home NATIONWIDE 64% ng P27B unpaid health emergency allowance naipamahagi na

64% ng P27B unpaid health emergency allowance naipamahagi na

MANILA, Philippines – Nabayaran na ang halos two-thirds ng P27.3 bilyon na natitirang atraso para sa Covid-19 health emergency allowance (HEA) ng mga healthcare worker, ayon sa mga numero ng gobyerno na inilabas noong Sabado.

Sinabi ng Department of Health noong Setyembre 20, 64% ng P27.3 bilyon ang naibigay na.

Hulyo nang inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang Department of Budget and Management (DBM) na kumpletuhin ang pagbabayad ngayong taon sa halip na hintayin ang ang pambansang badyet para sa 2025.

”The surplus fund balance or excess payments that PhilHealth returned to the national government provided the cash needed,” sinabi ng DOH.

Kaagad namang naglabas ng Special Allotment Release Order (SARO) ang DBM para matupad ng DOH ang obligasyon.

Ang mga pasilidad ng kalusugan ay naging key players sa huling pagbabayad ng HEA sa mga manggagawang pangkalusugan.

” DOH has listed 2,853 such facilities; checks have been issued to 2,070 (73%) of them,” sabi ng DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden