MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na uunahin ang mga indibidwal na may mababang kita sa “zero-billing program” sa mga ospital ng gobyerno.
Sa kanyang ika-67 na kaarawan noong Setyembre 13, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ahensya na balikatin ang mga gastos sa lahat ng inpatient, outpatient, at serbisyong pang-emergency sa 22 pampublikong ospital sa buong bansa.
Mahigit P300 milyon ang inilaang para sa programa.
Sinabi rin ni Domingo na layon ng gobyerno na bawasan ang out-of-pocket na gastusin sa kalusugan, na nasa P44 kada P100, pagsapit ng 2029.
”Dapat ‘yung out of pocket na P44, dapat mapababa sa pinakamababa siguro P20-P30. Sa mahihirap, dapat mapababa sa zero,” sabi ni Domingo. Jocelyn Tabangcura-Domenden