MEXICO CITY — Umabot sa 64 ang nasawi at 65 ang nawawala matapos ang matitinding pag-ulan na tumama sa Mexico noong nakaraang linggo, ayon sa ulat ng pamahalaan nitong Lunes. Ang mga pagbaha at pagguho ng lupa ay bunsod ng tropical depression na tumama sa mga bahagi ng Gulf Coast at central states.
“This intense rain was not expected to be of such magnitude,” ayon kay President Claudia Sheinbaum, na bumisita sa mga binahang lugar sa La Ceiba at nagsabing mahigit 100,000 bahay ang naapektuhan.
Paliwanag ni Admiral Raymundo Morales ng Mexican Navy, nagdulot ng matinding pagbaha ang pagsanib ng mainit at malamig na hangin sa mga ilog na puno na dahil sa mga buwang-buwan ng pag-ulan.
Pinakamalubhang tinamaan ang mga estado ng Veracruz at Hidalgo, na nagtala ng 29 at 21 pagkasawi, habang marami pa ang nawawala.
Winasiwas ng baha ang mga tulay, kalsada, at kabahayan, at napuno ng putik ang mga lansangan. Libu-libong tauhan ng pamahalaan ang ipinakalat para sa paglikas, paglilinis, at paghahatid ng tulong.
Naibalik na ang supply ng kuryente sa karamihan ng mga apektadong lugar, habang nakatutok naman ngayon ang mga awtoridad sa pag-iwas sa pagkalat ng mga sakit gaya ng dengue na dulot ng mga lamok sa mga naipong tubig. RNT