Home METRO 3 paslit sinilaban ng nanay bago kitilin sarili

3 paslit sinilaban ng nanay bago kitilin sarili

194
0

MANILA, Philippines – Tatlong batang magkakapatid na lalaki, edad isa hanggang anim, ang nasawi matapos silaban umano ng kanilang ina, na kalaunan ay sinilaban din ang sarili sa Santa Maria, Bulacan.

Ayon sa ulat ng pulisya, binuhusan ng ina ng paint thinner ang mga anak at sinindihan gamit ang posporo. Pagkatapos, binuhusan rin niya ang sarili at nagpakamatay sa parehong paraan.

Nakuha ng pulisya ang impormasyon mula sa isa sa mga bata bago ito pumanaw sa ospital. Walang ibang tao sa bahay noong mangyari ang insidente.

Wala pang pahayag ang mga kaanak ng pamilya habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa trahedya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here