MANILA, Philippines – Isang 11-anyos na bata mula Mulanay, Quezon ang nasawi matapos umanong makatanggap ng pangalawang turok ng anesthesia bago tuliin sa isang klinika nitong Abril.
Base sa ulat, nagsimulang mangisay ang biktima matapos ang ikalawang turok at idineklarang patay agad.
Ayon sa mga magulang ng biktima na nakuhanan pa nila sa video ang insidente. Nananawagan din sila ng hustisya.
“Sana matanggalan ng lisensiya, makulong, at mapasara ang klinik.”
Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago, mali umano ang naging paraan ng pagturok batay sa kanilang medico-legal, at posibleng nagdulot ito ng aneurysm na agad nakaapekto sa utak ng bata.
“Bakit may pangalawang turok? Dapat tama ang dosage ng anesthesia,” aniya. Ipapatawag ang doktor para magpaliwanag. RNT