Home HOME BANNER STORY P5 sirit-presyo sa produktong petrolyo, nakaumang

P5 sirit-presyo sa produktong petrolyo, nakaumang

MANILA, Philippines – Inaasahang magkakaroon ng malaking pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Tinatayang tataas ang presyo ng gasolina ng ₱2.50 hanggang ₱3.00 kada litro, diesel ng ₱4.30 hanggang ₱4.80, at kerosene ng ₱4.25 hanggang ₱4.40.

Paliwanag ni DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, ang pagtaas ay dulot ng halos USD4 na pagmahal sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado—mula USD83 nitong Lunes hanggang USD86.6 nitong Huwebes.

Bagamat hindi direktang kumukuha ng langis sa Iran ang Pilipinas, posibleng apektado ang presyo dahil sa umiinit na tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.

Wala namang naiulat na problema sa suplay mula sa mga lokal na kumpanya gaya ng Petron, Unioil, at LPG sector.

Tiniyak ng DOE na magpapatuloy ang pakikipagpulong sa mga oil company sa susunod na linggo upang bantayan ang imbentaryo at talakayin ang mga diskwento. RNT