MANILA, Philippines – Muling isinagawa ng Department of Public Works and Highways–National Capital Region (DPWH-NCR) ang weekend road repairs sa apat na lungsod sa Metro Manila—Parañaque, Makati, Taguig, at Quezon City—na nagsimula alas-11 ng gabi nitong Biyernes.
Kabilang sa mga inaayusang bahagi ay ang Commonwealth Avenue at Payatas Road sa Quezon City; C-5 Road at East Service Road sa Taguig; J.P. Rizal Street sa Makati; at Roxas Boulevard sa Parañaque. Isasagawa ang asphalt overlay at reblocking sa mga lugar na ito.
Target matapos ang mga gawain sa alas-5 ng umaga sa Hunyo 23. Pinayuhan ng DPWH ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta o ibang bukas na linya habang may ginagawa sa kalsada. Santi Celario