Home LIFESTYLE HEALTH N. Mindanao pinasok na ng mpox

N. Mindanao pinasok na ng mpox

210
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng mga opisyal ng kalusugan ang unang kaso ng mpox (monkeypox) sa Northern Mindanao.

Kinabibilangan ng isang lalaking pasyente mula Ozamiz City, Misamis Occidental. Ginagamot siya ngayon sa Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. Medical Center.

Ayon sa DOH-Region 10, natukoy sa pagsusuri na Clade II ang variant ng mpox—mas banayad kumpara sa Clade Ib.

Agad namang ipinag-utos ni Ozamiz Mayor Henry Oaminal Jr. ang contact tracing at hinikayat ang mga may sintomas na magpatingin.

Pinayuhan din niya ang publiko na sundin ang mga protocol ng DOH kaugnay sa kalinisan at disinfection upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here