MANILA, Philippines – Inaasahang mananatili ang ₱45 kada kilo na suggested retail price (SRP) ng 5% broken imported rice ng Department of Agriculture (DA) sa gitna ng tumataas na presyo ng langis at shipping cost dahil sa tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., malaki ang posibilidad na hindi muna gagalawin ang presyo hanggang sa bumuti ang sitwasyon. Hindi rin muna tataas ang presyo ng mga Rice for All (RFA) varieties na ibinebenta sa mga Kadiwa store.
Nauna nang inanunsyo ng DA na maaaring bumaba ng ₱1 hanggang ₱2 ang presyo ng RFA rice sa Hulyo, kung saan posibleng bumaba sa ₱43/kg ang 5% broken rice. Sa ngayon, ang RFA5 ay ₱43/kg, RFA25 ay ₱35/kg, at RFA100 ay ₱33/kg.
Bukod sa epekto ng pandaigdigang presyo ng langis, binanggit din ni Laurel ang paghina ng piso laban sa dolyar—mula ₱55 noong Mayo, bumaba ito sa ₱57.17 nitong Biyernes. RNT