Home HOME BANNER STORY LTFRB kumambyo: Wala pang aprub na dagdag-pasahe

LTFRB kumambyo: Wala pang aprub na dagdag-pasahe

228
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na wala pang aprubadong dagdag-pasahe sa mga pampasaherong sasakyan.

Ito ay dahil hinihintay pa ang pag-aaral ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev), na dating kilala bilang NEDA.

“Gusto naming malinaw: wala pang aprubadong fare increase sa ngayon,” ani LTFRB Chair Teofilo Guadiz III.

Dagdag niya, kailangan itong pag-aralan nang mabuti dahil sensitibo ang usapin sa gitna ng kasalukuyang kalagayang pang-ekonomiya.

Nauna nang sinabi ng LTFRB na posibleng maipasa ang pansamantalang ₱1 dagdag-pasahe sa mga tradisyonal at modernong jeep sa unang linggo ng Hulyo, bilang tugon sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.

Ang dagdag-singil ay bahagi ng matagal nang hirit na ₱5 taas-pasahe ng ilang transport groups mula pa noong 2024, ayon pa sa LTFRB.

Ang paglilinaw ngayon ng ahensya ay kasunod ng mga panawagan ng ilang transport groups na magtaas ng pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, dulot ng kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia, pati na rin ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here