Veteran Anchor Erwin Tulfo naghain na ng Certificate of Candidacy para sa Senador sa partido Lakas-CMD. CESAR MORALES
MANILA, Philippines – Nanawagan si Senator-elect Erwin Tulfo sa mga ahensiya ng gobyerno na pansamantalang ipahinto ang pagpapadala ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa mga lugar malapit sa Israel at Iran dahil sa nagpapatuloy na labanan.
Binanggit niya ang mga kalapit-bansa ng Iran at Israel tulad ng Saudi Arabia, Qatar, Bahrain, Jordan, at Egypt.
“Not all of the Middle East, but the surrounding areas of Iran and Israel like Saudi Arabia, Qatar and Bahrain, and there are also Jordan and Egypt,” aniya sa isang balitaan na inorganisa ng Manila City Hall Reporters’ Association.
“Now, if we keep sending (OFWs) and the war might escalate, we will have a hard time because we have millions of OFWs in the Middle East. Maybe we can hold them for now because our countrymen are in danger,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin ni Tulfo na delikado ang pagpapadala ng OFWs habang lumalala ang tensyon at maaaring mapahamak ang milyun-milyong Pilipino sa Middle East. Ipinanukala niyang ipagpatuloy ang deployment kapag nagkaroon na ng tigil-putukan o natapos na ang digmaan.
Simula Hunyo 13, lumala ang sigalot nang maglunsad ang Israel ng mga airstrike sa Iran, na sinundan ng mga missile retaliation mula sa Tehran, na ikinamatay ng higit 20 katao at pagkasugat ng daan-daang iba pa. RNT