MANILA, Philippines – Dalawang Pilipinong seafarer na naging bihag ng umano’y mga pirata sa Haiti ay ligtas nang nakabalik sa Pilipinas, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Biyernes.
Sila ay miyembro ng crew ng MV Century Royal na inatake noong Abril sa Port-au-Prince Anchorage.
Dumating ang mga seafarer nang hiwalay noong Mayo 23 at Hunyo 17.
Sa kanilang pagbisita sa opisina ng DMW, tiniyak ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang suporta ng gobyerno para sa kanilang paggaling at muling pagsasama sa lipunan.
Bawat isa ay nakatanggap ng ₱75,000 mula sa AKSYON Fund ng DMW, at may karagdagang tulong na inihahanda para sa kanila at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng OWWA.
Noong Mayo, 14 pang Pilipino mula sa parehong barko ang naipauwi na rin. RNT