Home NATIONWIDE 6,587 mga bagong klasrum popondohan sa 2027 

6,587 mga bagong klasrum popondohan sa 2027 

1
0

MANILA, Philippines — Aabot sa 6,587 bagong classroom ang popondohan sa ilalim ng panukalang 2027 national budget, paglilinaw ng Department of Budget and Management (DBM) kasunod ng mga ulat na 700 lamang ang planong ipatayo ng gobyerno sa susunod na taon.

Ayon sa DBM, ang 700 classrooms ay tumutukoy lamang sa bilang na inaasahang matatapos ng Department of Education (DepEd) sa loob mismo ng 2027 at hindi sa kabuuang bilang ng mga silid-aralan na paglalaanan ng pondo.

“The 700 figure refers specifically to DepEd’s commitment on the number of classrooms it expects to complete within the 2027 budget year. It does not represent the total number of classrooms proposed to be funded or undertaken under the FY 2027 NEP,” saad ng DBM.

Magsisimula rin sa 2027 ang konstruksyon ng iba pang classrooms ngunit posibleng hindi matapos ang lahat sa loob ng parehong taon dahil sa kinakailangang construction timeline.

Naunang nabanggit ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio sa budget hearing na 700 ang target na classroom construction para sa 2027, dahilan upang lumitaw ang mga ulat na bumaba ang bilang kumpara sa target na 4,869 ngayong 2026.

Sa panukalang P7.2-trilyong 2027 National Expenditure Program, P976 bilyon ang inilaan para sa DepEd.

Kabilang dito ang P30.55 bilyon para sa Basic Education Facilities Fund, habang P31.74 bilyon naman ang nakalaan para sa mga bagong posisyon ng school personnel at P38.12 bilyon para sa Government Assistance and Subsidies, kabilang ang Senior High School Voucher Program. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here